Nawalan ng pera ang dalawang Filipino as Kuwait mula sa kanilang mga bank account matapos mabiktima ng mga swindler na sinabi sa kanilang nanalo sila ng perang papremyo.

Ayon sa isa sa mga biktima na sila’y nakatanggap ng tawag na nanalo sila ng 20,000 Kuwaiti dinars (PHP3.5M). Matapos ay hiningi sa kaniya ang kaniyang ID, bank card, at mga PIN number, upang maideposito umano ang kaniyang mga “napanalunan” sa kaniyang account, iniulat ng Arab Times.

Matapos niyang ibigay ang kaniyang impormasyon, hindi lamang hindi nakatanggap ang Filipino ng kahit anong premyo, kinalaunan ay napag-alaman rin niyang mayroong nag-withdraw ng 2,527 Kuwaiti dinar (PHP450,500) mula sa kaniyang account.

Sa isa namang kapareho ring kaso, naloko rin ang isang 50-anyos na Filipino na naninirahan sa Fahaheel sa parehong paraan matapos niyang makatanggap ng tawag na siya’y nanalo ng 10,000 Kuwaiti dinars (PHP1.75M). Kinalaunan ay mayroon ring nag-withdraw ng 9,000 Kuwaiti dinar (PHP1.6M) mula sa kaniyang account.

Parehong nagsampa ng reklamo ang dalawang Filipino sa pulis, na itinanong rin ang kanilang mga bangko para sa mga karagdagan pang impormasyon ukol sa mga withdrawal. Aalamin pa ng mga pulis kung ang dalawang kaso ba ay gawa ng iisa ring tao.

Original: Phone swindlers trick Filipinos in Kuwait