Nagviral sa internet ang mga litrato ng isang bagong kasal na magkasintahang Malaysian na hinahalikan ang king cobra. Nagpakuha ng mga litrato ang magkasintahan na mula sa Kelantan kasama ang dalawang metrong haba na king cobra para sa kanilang mga vows, iniulat ng New Straits Times.

Ini-upload ang video ng photo shoot sa internet, kung saan makikita ang dalawa na nagsasalitang hinahalikan ang makamandag na ahas. Mabilis na mga nagkomento ang mga netizen sa kakaibang photo shoot, na mayroong isa pang nagsabing, “Legend has it that the couple adopted the snake and still kiss it”.

Ngunit, hindi lahat nang humahalik sa king cobra ay nakaaalis nang buhay. Namatay ang isang snake rescuer sa India matapos tangkaing halikan ang isang cobra noong Pebrero. Ang biktima na si Somnath Mhatre, ay sinubukang halikan ang ahas sa ulo para sa isang litrato nang matuklaw siya nito sa kaniyang dibdib.

Original: Video of couple kissing king cobra at wedding goes viral

https://youtu.be/1UnaOoStuOw