Isang maamong dambuhalang baboy, na nakaalpas mula sa kaniyang mga amo sa California, ay inakit pauwi ng isang pulis gamit ang mga nacho chips. Noong October 14, tumawag ng mga pulis ang mga residente ng Highland sa San Bernardino County nang makita nila ang dambuhalang baboy na ayon sa kanila ay “kasing laki ng isang maliit na kabayo” na naggagala sa kanilang mga kabahayan, iniulat ng ABC11.

Nang dumating ang mga pulis, nagtanong-tanong sila at nalaman nila ang kung saan talaga ito nakatira. Gumamit ang isang police deputy ng isang pack ng nacho chips na inihalera niya sa kalsada. Sinundan naman ito ng baboy at nang malaunan ay nakauwi rin sa kaniyang tahanan.

I-shinare ng San Bernardino County Sheriff Staff ang video ng kanilang enkwentro sa kaniyang Instagram page.

Ayon sa mga taong nakakita ng video online, ang pag-aakit sa hayop gamit ang pagkain ay maaaring hindi ang pinakamainam na paraan, dahil maaaring ito’y ma-over-excite at mas maging agresibo, na maaaring makadisgrasya pa sa mga taong nasa paligid. Sinabi naman ng iba na domesticated na ang baboy at walang kailangang ikabahala rito.

Original: Runaway pig lured home by nacho chips in California