Isa ang OFW sa grupo ng mga drug pusher na inaresto ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Pilipinas noong nakaraang linggo. Noong Setyembre 24 sa Bacoor, Cavite, nag-undercover ang mga pulis sa isang drug bust operation at inaresto ang OFW na si Gary Fernandez, kasama sina Rolly Espiritu, 27-anyos at Jasmine Aquino, 21-anyos, iniulat ng The Filipino Times.

Ayon sa mga pulis, nagbigay ng droga si Fernandez sa isang mamimili na isang pulis na naka-undercover lamang. Napag-alamang ang mga droga ay mula kay Kim Bustillo, na nakipagtransaksyon rin sa isang pulis na naka-undercover.

Habang iniimbestigahan ng mga pulis, sinabi ni Fernandez na ang isang lalaking kilala sa pangalang “Biboy” ang drug supplier. Ang Philippine Drug Enforcement Agency at ang Kawit Police ay nagsagawa ng operasyon upang maaresto ang supplier.

Dumating ang mga awtoridad sa isang gasolinahan kung saan nakita si Biboy sa kaniyang kotse. Gayunpaman, hindi nila ito nahuli matapos nitong magpaputok sa kanila habang siya’y nagmaneho na upang ito’y makatakas.

Sugatan ang isang sibilyan matapos matamaan ng ligaw na bala sa barilan.

Original: Filipino migrant worker arrested for illegal drug trade