Nawalan ang OFW ng PHP250,000 at iba pang mga kagamitan sa bahay matapos mambabae ng kaniyang dating nobyo sa Pilipinas.

Sa isang episode ng ‘Raffy Tulfo In Action’, isang programang ipinapalabas sa telebisyon at sa radyo sa Pilipinas, sinabi ng OFW na si Ida Pacuancuan na nagpadala na siya ng nasa PHP250,000 sa kaniyang nobyo, iniulat ng The Filipino Times.

Sinabi ni Pacuancuan ay dapat para sa pagpapagawa ng kanilang bahay sa Pilipinas ang kaniyang mga padala. Ngunit, ayon sa isa sa kaniyang mga kaibigan, nahuli niya umano ang nobyo nito na umalis mula sa isang bahay ng ibang babae noong Pebrero.

Kinalaunan ay nalaman niyang kinuha ng kaniyang nobyo ang lahat ng kaniyang pera kasama na ang ibang mga kagamitan sa bahay tulad ng refrigerator at satellite dish, na binili at biniyaran ni Pacuancuan habang siya’y nagtatrabaho sa abroad.

Nang umuwi si Pacuancuan sa Pilipinas kamakailan lamang, wala na siyang kapera-pera sapagkat ibinigay niya lahat ang lahat ng kaniyang ipon sa kaniyang nobyo. Hindi na ma-contact ni Pacuancuan ang nobyo dahil binlock siya nito sa social media at sa kaniyang iba pang mga contacts.

Nanawagan si Pacuancuan sa kaniyang dating nobyo na ibalik ang lahat ng kaniyang mga marapat na pagmamay-ari, at sinabing kailangan rin niyang suportahan ang kaniyang pamilya.

Original: Migrant worker loses PHP250,000 to cheating ex-lover