Patay ang OFW sa barilan ng dalawang pulis sa isang bar sa Lal-lo, Cagayan sa Pilipinas.

Noong 2:30 am ng Sabado sa Barangay Magapit, ang biktima na si Edward Opiña ay nakikipag-inom sa pulis na si Jeffrey Equuizabal nang dumating ang isa pang pulis na si Mike Sosa, iniulat ng Philippine Star.

Matapos ang pagtatalo tungkol sa isang bar hostess sa pagitan nina Opiña at Equuizabal, bigla na lamang sumabat sa usapan si Sosa at pinagsalitaan si Opiña.

Sumapit sa barilan sa pagitan ng dalawang pulis ang insidente, kung saan nabaril sa tiyan si Opiña at namatay sa kaniyang mismong kinatatayuan.

Sugatan rin ang dalawang pulis matapos ang kaguluhan. Isinugod sa Cagayan Valley Medical Center si Equuizabal habang si Sosa naman ay dinala sa isang pribadong ospital sa bayan ng Camalaniugan.

Naka-recover ang mga pulis ng anim na 9mm na bala sa pinangyarihan ng krimen.

Original: Migrant worker shot dead in cop gunfight in Philippines bar