Isang OFW ang sinaksak ng kaniyang mister hanggang sa ito’y mamatay matapos nitong makauwi sa Pilipinas noong Linggo ng hapon. Si Angela Arevalo, 26-anyos, na nakapagtrabaho na sa Dubai ng dalawang taon, ay umuwi sa kanilang bahay sa Isabela sa Negros Occidental upang kunin ang kaniyang dalawang anak mula sa kaniyang mister na si Arnaiz, 26-anyos, iniulat ng Panay News.

Ayon sa mga pulis, kadarating lamang ni Arevalo mula Kuwait at nagkaroon ng mainit na sagutan sa kaniyang mister. Nanlalaki umano si Arevalo, na naging sanhi ng pananampal ng kaniyang mister sa kaniya.

Kumuha ng kutsilyo si Arnaiz at pinagsasaksak si Arevalo ng ilang beses. Namatay si Arevalo dahil sa rami ng saksak sa kaniyang katawan. Matapos ay nagtago si Arnaiz sa isang plantasiyon ng asukal hanggang pinayuhan siya ng kaniyang mga kamag-anak na sumuko na sa mga pulis.

Noong Martes, isinuko ni Arnaiz ang kaniyang sarili sa municipal police station ng Isabela, Negros Occidental. Siya’y ikinulong at sasampahan na ng kaso.

Original: Migrant worker killed by husband after returning home