Nagulat ang OFW nang malaman niyang baon sa utang ang kaniyang pamilya kahit na siya’y nagpapadala sa kaniyang asawa buwan-buwan.

Sa isang episode ng ‘Raffy Tulfo in Action’, isang programang ipinapalabas sa telebisyon at sa radyo sa Pilipinas, sinabi ni Winifredo Binondo, na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia, na umuwi siya ng Pilipinas noong September 9 matapos malugi ang kumpanyang kaniyang pinapasukan. Sinabi ni Binondo na simula pa noong 2016, nagpapadala siya ng PHP20,000 kada buwan sa kaniyang misis na si Cristy, iniulat ng The Filipino Times.

Nang makauwi si Binondo, nagulat siya nang malaman niyang nangungutang pa ang kaniyang asawa. Ayon kay Cristy, hindi sapat ang buwanang pinapadala ng kaniyang mister upang masuportahan ang lima nilang mga anak.

Walang ipon ang pamilya at sa ngayo’y baon na sila sa utang. Inamin ng misis ni Binondo na hindi niya sinabi sa kaniyang mister ang katotohanan upang hindi na ito mag-alala pa, kaya nangutang na lamang siya.

Sinabi ni Raffy Tulfo, ang host ng programa, na mayroong problema sa komunikasyon ang  mag-asawa at dapat naging tapat na lamang ang misis kay Binondo na hindi talaga sapat ang perang ipinapadala niya para buhayin ang lima nilang anak, at dapat sinabi na lamang nito ang tungkol sa mga utang nito.

Original: Family buried in debt despite being sent monthly remittances