Isang higanteng Asian monitor lizard ang nahuli malapit sa swimming pool ng isang bahay sa Florida sa United States noong nakaraang buwan. Binisita ng higanteng reptile ang bahay ng mga Lieberman noong Agosto 29.

Pinarating ng pamilya nila Zack at Maria Lieberman sa Local 10 News ABC na sila’y nag-aalala para sa kanilang mga anak.

Ayon kay Zack, hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita ng higanteng lizard sa kanilang bahay. Nakita ang six-foot reptile ng kaniyang misis na naggagala sa kanilang bakuran mga ilang araw na ang nakakalipas. Nagawang dalhin ni Zack ang lizard palayo sa kanilang bahay at sa kagubatan.

Nakakita rin ang mga kapitbahay malapit rin sa may lawa.

Sinabi ng isang babae sa lugar na alaga niya ang higanteng lizard. Pumunta siya sa bahay ng mga Lieberman upang kunin ang lizard, ngunit hindi na nila ito nakita.

Malaking bilang ng mga Tegu lizard na dinala sa US bilang mga alaga ay ginawa nang tahanan ang Florida. Wala pa ring eksaktong bilang ang populasyon ng mga Tegu sa US.

Sinusubukan na ng gobyerno ng estados na ubusin ang mga lizard na ito dahil sa mapanira at mapanakop na ugali nito. Dagdag pa rito, hindi ito mgaa tubo sa America. Sinabi ng Specialist na si Jamie Roger kay Thomson Reuters na dapat nang tigilan ang pagpapakalat nitong mga hayop na ito.

Sa isang viral video noong 2016, isang higanteng monitor lizard ang nakita sa isang bahay sa Bangkok, Thailand, na iniulat ng The Metro. Makalipas ng mga ilang araw matapos i-upload ang video, sinabi ni Attanai Thaiyuanwong sa Coconuts Media na ang lizard ay madalas raw naroon. Pinangalan pa umano ito ng pamilya base sa kanilang paboritong mang-aawit na si Selena Gomez.

Original: Florida family shocked when giant Asian lizard pays a call