Dalawa ang nanalo ng PHP1.18 bilyong jackpot sa lotto, matapos ng ilang linggong pagbobola sa 6/58 Ultra Lotto sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), umabot ang jackpot sa PHP1,180,622,508. Ito ang pinakamalaking jackpot sa lotto sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas, iniulat ng CNN Philippines.

Sinabi ng PCSO na ang mga nanalo ay mga taga-Legazpi City, Albay at Barangay H. Borongan, Eastern Samar. Ang nanalong kombinasyon ay 40, 50, 37, 25, 01 at 45.

Ang dating record ng pinakamalaking jackpot sa lotto sa Pilipinas ay PHP741M, na napanalunan ng nag-iisang mananaya noong 2010.

Ang pinakabagong papremyo ay ang ikalawa na ngayong taon na dalawang tao ang nakapanalo sa Ultra Lotto 6/58. Ang unang beses ay nangyari noong February 16, kung saan pinaghatian ng dalawang nanalo ang PHP331M.

Original: Winners share $21.8 million Philippines lottery jackpot