Binubuksan na ng Poland ang kanilang pinto upang tumanggap ng mahigit sa 100,000 na mga Filipinong manggagawa upang matulungang malutasan ang patuloy na lumalaking kakulangan sa mga trabahador dahil sa kanilang tumatandang populasyon.

Sinabi ni Stanislaw Szwed, ang deputy labor minister ng Poland, na nasa proseso na ang Pilipinas at ang Poland sa pagbubuo ng kasunduan ukol sa suliranin, iniulat ng The Filipino Times.

Sinabi rin ni Szwed na nangangailangan ang Poland ng mga manggagawa para sa manufacturing, agriculture, at information technology. Ang iba pang mga trabahong in demand ay mga mason, karpentero, tagahalo ng semento, plasterers, machine operators, at mga engineer para sa mga proyektong pang-infrastraktura ng Poland.

Inaasahan ng Poland na sila’y kukulangin na ng 4 milyong mga manggagawa pagsapit ng 2030 dahil sa patuloy na emigration ng kanilang work force at sa mababang birth rate. Noong mga nakaraang taon, ang Ukraine ang naging pangunahing pinagkukunan ng Poland ng kanilang mga migranteng mga manggagawa.

Original: Poland plans to hire more than 100,000 Filipinos

Read: Poland considers hiring Filipino workers