Ang babaeng Chinese na turista ay hinusgahan ng mga kritiko sa internet matapos niyang hablutin ang leeg ng swan sa Switzerland.

Ayon sa isang video sa isang Swiss news website na ’20 Minuten’, isang babaeng nais mag-pose para kuhanan ng litrato kasama ang swan sa Schwanenplatz sa Switzerland ang sinubukang akitin ang hayop sa pagwawagayway ng banknote, na ipinapakunwaring ito’y pagkain, iniulat ng Oriental Daily.

Bigla na lamang tinuka ng swan ang banknote mula sa kamay ng babae.

Agad na sumugod ang kaibigan ng babae na nawalan ng nasabing banknote at hinablot ang leeg ng swan upang makuha nito ang pera. Nabigla ang ibang mga turista sa pag-uugali ng babae.

Nahuli sa video ang insidente ng isang mandaraan lamang at kinalauna’y ipinarating sa Swiss media.

Malinaw naman na nakasaad sa isang karatula sa wikang Inggles ang mga katagang “No Feeding”.

Hindi binanggit ng report kung saang bansa nagmula ang babae. Gayunpaman, dahil sila’y narinig na nagsasalita ng Mandarin sa video clip, hinusgahan ng mga netizen sa social media ang mga turista ng mainland China sa pananakit sa hayop.

Noong mga nakalipas na taon, nakatatanggap na ng mga masasamang mga reputasyon ang mga turista ng mainland China dahil sa mga balita ng media na mula sa mga bastos na pag-uugali hanggang sa mga pagpapakita ng mga ‘di kanais-nais na mga etiketa.

Original: Tourist slammed for pinching swan’s neck in Switzerland