Sugatan ang anim na mga OFW sa isang aksidente sa car wash sa Macau noong Miyerkules, matapos tapakan umano ng ang accelerator ng sasakyan ng isa sa mga OFW at bumangga sa car wash, na naging sanhi ng mga sugat ng mga manggagawa roon.

Nangyari ang aksidente sa car wash sa Rua da Serenidade malapit sa Barrier Gate border checkpoint noong ala-una ng madaling araw, iniulat ng Jornal Do Cidado. Ang mga biktima, na lahat ay mga OFW, ay edad 33 hanggang 50-anyos.

‘Di umano’y ‘di sinasadya ng isa sa mga OFW na tapakan ang accelerator ng isang seven-seater na kotse at nabangga ang dalawang kotse sa harap ng kanilang sasakyan, na nakapagpasugat sa kaniya at sa lima pang ibang mga manggagawa na nililinis ang dalawang kotse sa shop.

Nakalakad ang dalawang manggagawa sa ilalim ng kotse at nagtamo ng mga malalalang mga sugat na may bali sab inti at mga sugat sa ulo. Malubha rin ang mga natamong sugat ng driver, samantalang ang tatlong iba pang mga manggagawa ay nagtamo ng mga ‘di kalalaang mga sugat.

Dumating ang mga bumbero sa eksena at dinala ang mga ito sa Conde de Sao Januario Hospital Centre para sa treatment. Matapos ng paunang imbestigasyon, nakumpirma ng mga pulis na walang lisensya ang driver at patuloy ang pag-iimbestiga sa insidente.

Bumisita ang mga opisyales ng Philippine Consulate General ng Macau sa mga biktima sa ospital at kinausap ang kanilang mga kamag-anak, na naninirahan rin sa Macau, upang bigyan sila ng kahit anong suporta na kailanganin nila, iniulat ng The Macau Post Daily.

Original: Six Filipinos injured in car wash accident in Macau