Isang 78-anyos na babae ay napatunayang nagkasala sa Hong Kong’s District Court noong Lunes sa pagsasaboy ng mainit na tubig sa kaniyang bagong tanggap na Indonesian na domestic worker.

Napatunayang nagkasala si Gee Hoo Giok, isang Indonesian Chinese na babae, ng one count of causing grievous bodily harm with intent at one count of breaching the Employees’ Compensation Ordinance, iniulat ng Apple Daily.

Iniorder ni Deputy District Judge Li Chi-ho ang nasasakdal sa kustodiya para sa ‘di pa nakukumpirmang background at mga psychological report bago sentensiyahan sa November 19.

Dininig ng korte na ang Indonesian na domestic worker na si Ismiati, 29-anyos, ay natanggap sa kaniyang trabaho sa pamamagitan ng employment agency noong January 24 noong nakaraang taon. Ngunit nang pumasok siya sa kaniyang trabaho noong March 27, ipinaalam sa kaniya na namatay ang mister ng kaniyang amo kagabihan ring iyon.

Matapos niyang magtrabaho para sa nasasakdal ng tatlong araw, sinabi ni Ismiati na inakusahan siya ng kaniyang amo sa pagiging “mangmang”, sa “masyadong mabagal na pagluluto” at sinisi ang manggagawa sa pagkamatay ng kaniyang mister dahil hindi siya pumasok noong mga nakalipas na oras.

Sa ikatlong araw, si Ismiati ay nasa kusina at nakaramdam ng sakit sa kaniyang likod at siya’y tumalikod at nakita niyang nakatayo si Gee sa likod niya. Naniniwala siyang sinabuyan siya ni Gee ng mainit na tubig.

Nag-plead ang abogado ng nasasakdal ng mas mababang parusa, na sinabing masyado nang matanda ang kaniyang kliyente upang maparusahan ng community service order at inaasahan niyang tatanggapin ng korte ang rason na wala umanong control ang babae sa kaniyang sarili noong mga oras na iyon.

Sinabi ni Judge Li na malalang krimen ang kaso, at hindi niya ito sisintensiyahan ng community service order.

Original: Woman guilty of splashing hot water on domestic worker