Nakulong ang dalawang Filipino sa Dubai at pinagmulta sa pananaksak sa isang kapwa nila Filipino.

Noong Mayo,nagkaroon umano ng salo-salo ang biktima sa kaniyang apartment kasama ang kaniyang tatlong Filipinong kaibigan, isang lalaki, at dalawang babae. Umalis sa apartment ang mga bisita ng biktima ng mga alas-4 ng madaling araw, upang bumalik lamang maya-maya, na nagsabing sinugod umano sila ng dalawang lalaki – parehong mga Filipino – sa loob ng elevator, iniulat ng Gulf News.

Hinarap ng biktima at ng kaniyang tatlong kaibigan ang dalawang suspek, mga lalaking Filipino, edad 32 at 33, na napag-alamang nagtatrabaho bilang mga waiter.

Na-korner ng isa sa dalawang lakaki ang biktima, habang ang isa naman ay dalawang beses itong sinaksak ng kutsilyo. Dumating ang mga pulis at inaresto ang dalawang lalaki, habang ang biktima naman ay isinugod sa ospital.

Noong Martes sa Dubai Court of First Instance, sinentensiyahan ang 32-anyos na nasakdal ng isang taong pagkakakulong at pagmumultahin ng 5,000 dirhams, habang ang isa naman ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng 3,000 dirhams. Ide-deport ang dalawa matapos nilang tapusin ang kanilang termino sa kulungan.

Original: Two Filipinos jailed for stabbing compatriot in Dubai