Humaharap ng reklamong pagnanakaw ang 34-anyos na Filipinang  domestic worker sa Eastern Magistrates’ Court kamakailan lamang.

Inakusahan ang nasasakdal na si Aisha B.P. ng pagnanakaw ng jacket na nagkakahalaga ng HK$400 (PHP2,700) mula sa kaniyang amo sa isang residential flat sa The Rednazaela Terrace sa Mid-Levels sa Hong Kong Island noong October 14, iniulat ng hongkongnews.com.hk.

Nagtungo ang nasasakdal sa korte noong October 23 at humingi ng adjournment hanggang December 14 para sa karagdagang oras upang ihanda ang kaniyang legal defense.

Pinayagan ni Magistrate Peter Law ang kaniyang hiling at sinabing hindi siya maaaring umalis ng Hong Kong.

Inutusan ang kasambahay na regular na mag-report sa Tsim Sha Shui police station.

Sa ilalim ng batas ng Hong Kong ukol sa pagnanakaw, ang kahit sinong taong nagnakaw at mapapatunayang nagkasala ay maaaring humarap ng 10 taong pagkakakulong.

Original: Domestic worker accused of stealing employer’s jacket