Nakatakda nang magretiro sa susunod na limang taon ang Filipinang domestic worker na nanalo ng ‘UAE’s Best Nanny’ award matapos makatanggap ng 70,000 dirhams (o mahigit sa PHP1M) cash prize.

Si Melanie Manansala, 45-anyos, na lumipad patungong Dubai noong 1993 nang siya’y 20-anyos pa lamang, ay kinilalang ‘UAE’s Best Nanny’ noong nakaraang taon matapos siyang i-nominate ng pamilya ng kaniyang amo, iniulat ng Khaleej Times.

“Nang sinabi nila sa akin, sinabi kong hindi ko gusto ko yun dahil akala ko hindi ako mananalo. Ngunit pinilit pa rin nila, at sinabing magagalak sila kung sakaling tanggapin ko ang offer. Bigla ko na lang nalaman na nanalo na pala ako,” sabi ni Manansala.

Nakatanggap rin si Manansala ng 70,000 dirhams bilang panimula ng kaniyang retirement fund. Ang domestic worker, na kumikita ng 2,600 kada buwan, dahil sa kaniyang napanalunang pera, maaari na siyang magretiro ng mas maaga at permanente nang makauwi sa Pilipinas.

“Aabutin ako ng apat na taon para maipon ang ganoong kalaking pera; yun ay kung makakapagtabi ako ng 1,500 dirhams kada buwan. Kaya nang makatanggap ako ng ganitong kalaking halaga bilang isang yaya, talagang nakakataba ng puso”, sani niya.

Nais niyang magbukas ng kaniyang sariling mini-supermarket kapag nakabalik na siya nng Pilipinas. Sabi niyang ang retirement fund na nagkakahalaga ng PHP1M, ay makatutulong upang matupad ito.

Original: Filipina to retire after getting ‘best nanny’ award in UAE