Nakialam na ang Ministry of Manpower (MOM) ng Singapore matapos makita ang isang 35-anyos na Filipinang domestic worker na nagpipintura sa mataas na lugar sa labas ng tatlong palapag na bahay sa Pavilion Street. Sinusubukan nang ikumpirma ng ministeryo kung alam na ng amo na itinataya niya ang kaligtasan ng kaniyang manggagawa.

Kumalat ang insidente sa Facebook nang i-post ni Catherine Plagne-Ismail ang dalawang mga video sa social media. Mayroong kasamang mga komento ang mga video na hinuhusgahan ang may-ari ng bahay, na sinasabing hindi dapat trabaho ng domestic worker ang pagpipintura ng labas ng bahay, iniulat ng Lianhe Wanbao (Singapore).

Sa isa sa mga video, nakita ang domestic worker na nagpipintura nang delikadong nakadapo sa isang mataas na hagdan na nakasandal sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa isa namang video, nakitang naka-squat sa pasimano sa labas ng ikatlong palapag ng bahay.

Napag-alamang binisita ang manggagawa ng mga opisyales mula sa Ministry of Manpower sa kaniyang ikalawang araw ng pagpipintura.

Hindi niya alam na kinuhanan na pala siya ng video hanggang sabihin ng mga opisyales na nag-aalala sila sa kaniyang kaligtasan matapos nilang mapanood ang mga video.

Inamin ng biktima na siya’y natatakot, ngunit hindi niya kayang subukang hindi sundin ang kaniyang mga amo na kaniyang pinagtatrabahuhan na ng tatlong taon.

Sa hindi pagsisiguro na nagawa ng isang banyagang domestic worker ang kaniyang mga trabaho nang hindi ito naging malapit sa kapahamakan, maaaring pagmultahin ang amo ng ‘di hihigit sa S$10,000 (o mahigit sa PHP385,000), o kaya naman ay makulong sa hanggang sa 12 buwan, o kaya naman ay pareho.

Original: Filipina made to paint outside of three-story home