Nakatanggap ng papuri at gantimpala ang Filipinang domestic worker kamakailan lamang nang ibalik niya ang nawawalang pitaka ng lalaki na napulot niya sa kalsada ng Shau Kei Wan sa Hong Kong Island.

Si Nilma Carigba, ang presidente ng South Cotabato Workers Association, ay nagsabing siya’y papunta na sa isang klinika nang makita niya ang isang pitaka na puno ng mga card sa isang kalsada sa Shau Kei Wan noong October 16, iniulat ng sunwebhk.com.

Sabi niya’y siya’y natatakot at ninenerbyos noong una dahil akala niyang mayroong bunibiro sa kaniya, ngunit napansin niyang nilalagpas-lagpasan lamang ng mga tao sa paligid ang pitaka. Pinulot niya ang pitaka at pumunta sa klinika upang ipa-check ang kaniyang sugar level at blood pressure.

Sa klinika, tiningnan niya ang laman ng pitaka at nakita niya ang isang card na may nakasulat na Isaac Lam, na may kasama ring contact number. Tinawagan niya ang number at tinanong niya ang lalaki kung nawala ba siya ng kaniyang pitaka. Kunimpirma ng lalaki na nawalan nga siya nito.

Matapos ay nagkasundo silang magkita sa MTR station sa Admiralty, kung saang binigyan siya ni Lam ng HK$300 (o mahigit sa PHP2,000) bilang pabuya, kahit na ilang beses na niya itong tinanggihan.

Isinulat ni Nilma ang kaniyang karanasan sa Facebook, na sinabing “tama at makatarungan lamang na ibalik ang mga bagay na hindi ko naman pagmamay-ari”.

Kapalit nito, ishinare ng may-ari ng pitaka ang post ni Nilma at binigyan niya ito ng papuri na sinabing “you are the best” sa Facebook.

Original: Filipina domestic worker praised after returning lost wallet