Sinentensiyahan ang isang Filipino sa Sugar Grove, Illinois, ng ‘di bababa sa 96 na taon sa sekswal na pananamantala ng mga bata. Si Noel Buhay, 51-anyos, ay napatunayang nagkasala ng eight counts of predatory criminal sexual assault ng isang bata at two counts of aggravated criminal sexual abuse, iniulat ng WSPY News.

Ayon sa Attorney’s Office ng Kane County State, makukulong si Buhay ng 45-taon sa kulungan matapos mahatulan ng three counts of predatory criminal sexual assault noong March 17, 2017. Napag-alaman ring sekswal na nanamantala siya ng isang ampon na anak na naninirahan sa kaniyang pamilya noong January 2004 at May 2004.

Noong Martes, dininig ng korte na sekswal na nanamantala si Buhay ng isa pang ikalawang biktima na nakilala niya sa mula December 2005 hanggang December 2008. Ang ikalawang biktima ay mas mababa sa edad na 13. Sinentensiyahan naman si Buhay ng 51 taon na pagkakakulong dahil sa kaniyang kamakailan lamang na hatol.

Dagdag pa sa kaniyang sentensiyang pagkakakulong, kailangang magrehistro si Buhay bilang isang sexual offender panghabang-buhay na naayon sa Illinois Sexual Offender Registration Act.

Original: Filipino in US jailed for life for sexually abusing children