Humarap sa korte ng Hong Kong ang isa na namang Filipinong turista ngayong buwan matapos subukang ibangko ang pekeng tseke na US$100 billion noong nakaraang taon, na nakasama na sa lumalaking bilang ng mga Filipinong nakukulong dahil sa mga walang katotohanang mga tseke.

Inaresto si Celerina L. Tinana, isang matandang lalaki mula sa Ilocos, matapos niyang subukang ibangko ang tseke sa isang branch ng Bank of China sa Kowloon noong Nobiyembre ng nakaraang taon, iniulat ng sunwebhk.com.

Inalerto ang mga pulis habang siya’y naghihintay sa bangko para sa verification ng tseke. Ini-adjourn na ni Judge Eddie Yip ang kaso sa District Court noong November 14 para sa January sa susunod na taon, dahil sa request ng prosecution at ini-extend ang bail ni Tinana.

Si Tinana ay ang naging pinakabago sa lumalaking bilang ng mga Filipinong turista, kalimitan sa kanila’y mga may edad na, na naaresto sa loob ng nakalipas na dalawang taon sa mga kaparehong mga reklamo. Ang ilan ay nakulong, tatlo ay napawalang sala, habang ang iba naman ay naghihintay na lamang ng kanilang hatol.

Hindi pa malinaw kung ang mga pekeng mga tseke at iba pang mga instrumento ay nagmula sa iisang tao, o kung mga magkakakilala ba ang mga naakusa. Noong November 12, sinentensiyahan ang isang Filipino-American na babaeng si Elena S. Orosa ng 30 buwang pagkakakulong ng District Court sa pagtatangkang magdeposito ng pekeng tseke na nagkakahalagang US$2 billion sa isang lokal na bangko.

Isa pang matandang turista, 76-anyos, na si Maria Ilao Gosilatar, ay didinigin ang kaso sa Miyerkules. Siya’y nasa kustodiya na ng halos dalawang taon matapos niya umanong i-cash ang pekeng tseke na US$50 million sa Hang Seng Bank.

Lilitisin ang dalawang Filipinong turista sa susunod na taon sa pagka-cash rin ‘di umano ng pekeng mga deposit slip at mga pekeng traveler’s check.

Original: Filipino charged with banking fake US$100 billion check