Nagsasagawa na ng imbestigasyon ukol sa Filipinong domestic worker sa Saudi Arabia na minaltrato ‘di umano ng kaniyang amo na namatay dahil sa panlalason.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), si Emirita Gannaban, 44-anyos, na nagtungo sa Saudi Arabia noong Hunyo, ay namatay dahil sa panlalason sa Prince Mohammed Bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh noong October 29, iniulat ng Rappler.

Sinabi ng DFA na mayroong mga alegasyong siya’y minaltrato at iimbestigahan na ng mga Philippine officials ang kaniyang pagkamatay. Naghihintay na lamang ng mga resulta ng otopsiya ang Philippine Embassy sa Riyadh na isinagawa kay Gannaban.

Maipababalik bayan na ang mga labi ni Gannaban matapos matapos imbestigahan ng mga awtoridada ang tunay na sanhi ng kaniyang kamatayan.

“Makikipag-ugnayan ang Philippine embassy sa mga kamag-anak ni Gannaban, pati na rin sa kaniyang amo at sa mga recruiter sa Manila at Riyadh, upang maisaayos ang pagpapauwi ng kaniyang mga labi sa oras na matapos imbestigahan ng mga pulis ang mga detalye at tunay na sanhi ng kaniyang pagkamatay”, sabi ng DFA.

Original: Filipino domestic worker dies of poisoning in Saudi Arabia