Isang 2 taong gulang mula sa siyudad ng Zamboanga ang namatay dahil sa Human Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Nakuha ng bata ang sakit mula sa isa kaniyang mga magulang, pahayag ng mga awtoridad. Matapos ang naulat na pagpanaw ng bata, na-alarma ang mga health officials kung paano naapektuhan ng sakit ang publiko sa siyudad, ulat ayon sa Philippine Daily Inquirer.

Ayon kay Dr. Kibtiya Uddin, assistant city health officer, lahat ng miyembro ng publiko, ano pa mang kasarian o edad ay maaaring tamaan ng sakit na ito.

“Nakaka-alarma ito dahil ang sakit na HIV/AIDS ay hindi na lamang nakukuha mula sa pakikipagtalik ngunit naaapektuhan na sino man sa publiko”, pahayag ni Uddin.

Ayon kay Uddin, 99% ng HIV/AIDS ay nahahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik, ngunit ang iba ay naipapasa tuwing pagbubuntis.

Sa siyudad ng Zamboanga, mayroong 2 kaso ng mga nagdadalang-tao na may HIV/AIDS at 2 batang may edad na anim at pito ang nahawa ng sakit na ito. Nakuha ng dalawang bata ang sakit mula sa kanilang ina.

“Hindi namin alam ang lagay ng nutrisyon ng dalawang bata ngunit inaalam na namin ito. Gagawin namin ang lahat upang mapahaba pa ang buhay ng mga ito” pahayag ni Uddin.

Original: Two-year-old Philippines child dies of HIV/AIDS