Nag-viral sa social media ang nahuli sa CCTV footage na isang babaeng nandurukot ng pitaka sa isang Filipinang domestic worker sa Central sa Hong Kong Island noong Linggo.

Sinabi ng Filipinang domestic worker na si Mary Jane Santiago Olivar, 45-anyos, sa mga pulis na napadaan lamang siya sa Li Yuen Street East sa Central, na mas kilala sa “Alley-Alley 2” ng mga Filipino, noong mga 7:44pm upang kumuha ng mga pinamili sa isang grocery store bago siya bumalik sa bahay ng kaniyang amo sa Happy Valley, iniulat ng sunwebhk.com.

Nang dumating siya sa Des Voeux Road, natagpuan niyang bukas ang kaniyang bag at wala na ang kaniyang pitaka. Agad siyang bumalik sa grocery store at nagsabing kung maaaring makita ang kanilang CCTV footage.

Kita sa CCTV na habang siya’y naglalakad sa eskinita, binuksan ng isang babaeng naka-pink na jacket ang kaniyang bag at dinukot ang kaniyang pitaka. Nawalan si Olivar ng mahigot sa HK$4,000 (PHP27,000) at ng isang Octopus Card. Ang pitaka, na naglalaman ng HKID at ATM Card ni Olivar, ay kinalauna’y natagpuan ng isang manggagawa sa isang kalsada sa Central na kilala pala ang kapatid na babae ni Olivar at isinauli niya ito sa kaniya.

Sabi ni Olivar, pinaniniwalaan niyang Filipina ang kumuha ng kaniyang pera bago niya ito ipadala sa Pilipinas.

Hindi pa rin nahuhuli ang mandurukot at na-classify na nilang bilang isang “wanted person”. Ipinost ni olivar ang CCTV footage sa Facebook at nagtanong-tanong kung sino man ang nakakaalam ng mandurukot na ito ay ipaalam sa mga pulis upang maaresto nila ito.

Nakakalap ng atensyon ang footage mula sa mga netizen at sa mga domestic worker.

Kalimitan sa mga komento ay kinokondena ang mandurukot, na sinasabing ipinapahiya niya ang kaniyang mga kapwa mga Filipino. Ang iba naman ay nagagalit sa kaniya sa pambibiktima ng mga taong nagsusumikap upang kitain ang kanilang mga pera.

Original: Footage shows pickpocket stealing from domestic worker