Nag-viral ang video footage ng isang unggoy na nagnakaw ng cobra mula sa isang snake charmer sa labas ng templo ng India noong Biyernes. Kita sa isang security camera footage mula sa labas ng Burbank Temple sa Vrindavan sa Uttar Pradesh ang unggoy na tumalon pababa mula sa pader nang makita niya na naglabas ng cobra ang snake charmer mula sa isang basket, iniulat ng UPI.

Mabilis na hinablot ng unggoy ang ahas at umakyat muli sa pader. Sa katapusan ng video, nakitang ang snake charmer na sinusubukang umakyat ng pader upang habulin ang unggoy. Ayon sa mga saksi, sa huli ay hindi rin nahuli ng lalaki ang kaniyang ahas.

Sinabi ng lokal na residente na si Avatans Kumar, 23-anyos, na ito siguro ang pinakaunang beses na makakita ang lahat ng unggoy na nang-aagaw ng ahas mula kahit kanino, na inakala nitong pagkain.

Kilala ang mga unggoy na mga pilyo at mga magagaan ang kamay. Kaya ring malaman ng mga unggoy ang mga mahahalagang bagay sa tao at nanakawin ito.

Kapalit nito, ginagamit ng ibang mga unggoy ang mga ninakaaw na mga gamit bilang makipagpalit ng pagkain sa mga tao, na ayon rin sa isang BBC documentary.

Original: Video shows monkey nabbing cobra from snake charmer