Nananawagan ng tulong sa gobiyerno ng Pilipinas ang ina ng isang Filipinong domestic worker na naligtas sa death row sa United Arab Emirates upang mapauwi na ang kaniyang anak na babae matapos niyang makulong.

Noong December 2014, inakusahan ang domestic worker na si Jennifer Dalquez ng pagpatay sa kaniyang amo, na namatay matapos itong saksakin ni Dalquez bilang self-defense nang pagtangkaan siyang gahasain nito, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.

Noong June 2017, inabsuwelto si Dalquez ng kasong murder ng Court of Appeals sa Al Ain, ngunit nahatulan ng pagnanakaw ng cellphone, at sinintensiyahan ng limang taong pagkakakulong. Binigyan na rin siya ng pardon at pinaikli ang kaniyang sentensiya.

Sinabi ng ina ni Dalquez, si Alicia, na nakarating na sa kanila ang impormasyon natapos na ng kaniyang anak ang termino nito sa kulungan noong Huwebes, ngunit wala silang balita ukol sa kung kailan makauuwi si Dalquez sa Pilipinas.

“Kailangan na lang niya ng court clearance at ticket. Nararapat lamang siyang makauwi na. Ano pa bang hinihintay nila?”, sabi ni Alicia.

Nag-appeal si Alicia sa Department of Foreign Affairs upang tumulong sa pagpapabalik kay Dalquez at mas mapabilis ang proseso para sa court clearance.

Original: Mother of Filipina saved from death row seeks govt’s help