Nabaril ang isang lalaki sa India habang ito’y umiihi ng isang mandaraan dahil napagkamalan umano siya nito na baboy ramo. Nagpunta sa likod ng mga halaman si Shanmugam, isang 35-anyos na mananahi  mula sa Ramapuram, sa bayan ng Vellore upang umihi nang barilin siya ni Venkatesan, 24-anyos, iniulat ng The Hindu.

Ayon sa mga pulis, inakala ni Venkatesan na mayroong baboy ramo roon nang makita niyang gumalaw ang mga halaman. Nagpaputok siya at nagulat nang napasigaw si Shanmugam dahil sa sakit ng kaniyang sugat.

Tumakbo si Venkatesan nang mabilis pa sa isang nakasagasang taxi driver ng Bangkok motorcycle.

Sinabi ng pulis na narinig ng mga residente ang sigaw ni Shanmugam, kaya naman ito agad na naisugod sa ospital. Nag-iwan ng mga pellet, na pinaniniwalaang nagmula sa isang shotgun, sa mga sugat sa ulo ni Shanmugan, ngunit hindi naman napuruhan ang iba pang parte ng kaniyang katawan.

Nagsampa na ng pormal na reklamo laban kay Venkatesan at naaresto na rin siya ng mga lokal na pulis.

Original: Indian man behind bushes mistaken for a wild boar