Sinugod at napatay ng ligaw na baboy ramo ang lalaki matapos habulin ng aso niya ito sa kagubatan sa Koh Kong, Cambodia. Noong alas-7 ng umaga ng October 24, naglalakad lamang sa kagubatan ang 47-anyos na si Srun Chea sa Tatey Leu commune kasama ang kaniyang anak na babae at ang kaniyang aso nang habulin ng aso ang baboy ramo, iniulat ng Khmer Times.

Ayon sa isang manggagawa sa isang wildlife preserve, ikinagalit ng baboy ramo ang paghagad ng aso rito at napuntirya naman niya ang lalaki. Dadag pa niya’y nakatakas ang anak ng lalaki at humingi pa ng tulong sa mga residente.

Sabi ni On Sothearith, ang district governor, ininda ni Chea ang kaniyang mga sugat sa pangyayari. Ayon sa autopsy report, unang inatake ng baboy ramo ang mga binti ng lalaki, na nakapagpatumba sa kaniya bago siya tinuluyan nito.

Sinabi rin ni Sothearith na nakikiramay ang mga district authorities at nagbigay ng donasyon sa pamilya ng biktima. Mababangis na mga hayop ang mga baboy ramo at aatake sila gamit ang kanilang mga tusks kapag nararamdaman nilang sila’y nanganganib o kaya naman ay binabagabag.

Original: Man attacked by enraged boar in Cambodia