Sinentensiyahan ang lalaking Iranian ng anim na buwang pagkakakulong sa panggagahasa ‘di umano sa isang Filipina sa loob ng kaniyang kotse sa isang desyerto sa Dubai.

Nakilala ng 29-anyos na lalaking Iranian ang Filipina sa pamamagitan ng mga koneksyon sa kaniyang kaibigan at inimbita niya sa isang barbeque at shisha night sa desyerto kasama ang kaniyang mga kaibigan, iniulat ng Gulf News.

Hindi tinanggap ng Filipina ang imbitasyon, ngunit nakumbinsi siya ng lalaki na lumabas upas magkape. Sinundo ng lalaki ang babae sa Dubai Metro station at nagmaneho patungo sa isang lugar sa desyerto, kahit na sinabi ng Filipina na hindi niya gustong sumama roon.

Nakarating sila sa desyerto kung saan naninigarilyo ang mga kaibigan ng lalaki ng shisha, nagba-barbeque at nag-iinuman. Nanatili ang lalaki at ang Filipina hanggang 3am, at nagpapahatid na ang Filipina sa kaniyang bahay.

Ngunit, imbis na ihatid niya ito sa bahay nito, nilabanan umano ng lalaki ang Filipina, at pinilit na makipagtalik sa loob ng kaniyang sasakyan.

Sa Dubai Court of First Instance, tumestigo ang Filipina na ginahasa nga siya ng lalaking Iranian. Samantala, sinabi naman ng lalaki sa mga prosecutor na nagkasundo silang dalawa na magtalik at hindi niya ito ginahasa.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang lalaki, at sinentensiyahan siya ng anim na buwang pagkakakulong at nag-order na siya’y made-deport matapos niyang tapusin ang kaniyang termino.

Nag-appeal ang lalaking Iranian sa decision ng korte, kaya magpapatuloy ang kaso sa Appeal Court sa susunod na buwan.

Original: Man jailed in Dubai for allegedly raping Filipina in desert