Naospital ang isang lalaking Danish matapos magtangkang magpakamatay gamit ang kutsilyo, dahil sa pakikipagtalo sa kaniyang Filipinang nobya sa kaniyang bahay sa Pavia, Iloilo.

Noong Sabado, napag-alamang nagtangkang magpakamatay si Arne Erhard Johansen, 70-anyos, matapos niyang makipagtalo sa kaniyang live-in partner na si Vangielyn Calumag, 40-anyos, ukol sa kanilang nakanselang lakad, iniulat ng Philippine Lifestyle News.

Johansen used a 12-inch kitchen knife to slash his stomach, causing extensive bleeding. Calumag called for an ambulance and Johansen was rushed to the Iloilo Mission Hospital.

Gumamit si Johansen ng isang 12-pulgadang kutsilyo upang hiwain ang kaniyang tiyan, na naging sanhi ng labis na pagdurugo. Tumawag ng ambulansya si Calumag, at isinugod sa Iloilo Mission Hospital si Johansen.

Ayon kay Chief Inspector Fernand Limbunan, sa sobrang lala ng sugat ay pawang kinatay na si Johansen.

Hindi pa nakukumpirma kung nakamamatay ba ang kaniyang natamong sugat.

Original: Man stabs himself after arguing with Filipina girlfriend