Isang lalaking Chinese na may apelyidong Fan ay natagpuang patay sa isang hotel room sa Fuzhou City, Jiangxi, Southeast China noong November 22 matapos magsumbong ng babae sa mga pulis na siya’y ginahasa nito.

Sa gabi ng November 21, dinala ni Fan ang babae sa isang hotel sa Phoenix City sa Fuzhou, iniulat ng Qilu Evening News, na naayon sa isang statement ng Fuzhou police. Napag-alamang unang beses silang nagkita ang dalawa sa lugar na iyon.

Pagkapasok nila ng hotel room, naglabas si Fan ng dalawang ahas mula sa isang nylon bag, at ginamit niya ang mga itong panakot sa babae upang makipagtalik ito sa kaniya. Ang babaeng natakot sa mga ahas ay kinalauna’y ginahasa.

Matapos ay inilagay ni Fan ang mga ahas sa bathtub ng hotel room. Noong mga alas-10 na ng gabi, natuklaw siya ng isa sa mga ahas, na napag-alamang isang napakamakamandag na many-banded krait. Hindi siya nagtungo ng ospital, at mas pinili pa niyang matulog na lamang.

Noong mga hating gabi, umalis na ang babae at tinawagan niya ang kaniyang mga magulang, na nakipag-ugnayan sa mga pulis. Nakarating ang mga pulis sa hotel room ng alas-3 ng madaling araw ng November 22, at natagpuan ang bangkay ni Fan sa kama nito. Natagpuan rin nila ang dalawang ahas sa loob ng room, at isa sa mga ito ay nasa loob ng banyo.

Itinalaga ng mga pulis ang kaso bilang rape, at patuloy pa rin nila itong iniimbestigahan, ayon sa isang statement.

Original: Man bitten by snake he used to threaten woman for sex