Namatay ang mga anak ng mag-asawang OFW sa Saudi Arabia, edad 10 at 11, matapos masunog ang kanilang bahay sa Iloilo sa Pilipinas.

Noong 3am ng Biyernes, napatay ng sunog ang dalawang anak ng mag-asawa, kasama na ang kanilang lola, iniulat ng The Filipino Times.

Ayon sa mga awtoridad, natutulog ang kanilang dalawang anak kasama ang kanilang lola sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang magsimula ang apoy. Hindi pa rin nalalaman ang tunay na sanhi ng sunog.

Ayon sa ama ng mga bata, nakipag-usap pa silang mag-asawa sa mga bata sa telepono mga ilang oras lamang bago sumiklab ang apoy. Matapos nilang mabalitaan ang pangyayari, nahimatay ang kaniyang misis at isinugod ito sa ospital.

Labing-limang taon nang nagtatrabaho ang mag-asawa sa isang pribadong ospital sa Jeddah. Sinabi ni Hans Cacdac, ang admistrador ng Overseas Workers Welfare Administration, na tutulungan nila ang mag-asawa na makabalik sa kanilang tahanan sa Iloilo.

Original: Migrant worker couple lose children in Philippines fire