Binigyang papuri ng isang maiksing video na ginawa ng isang real estate company na Century Properties, ang mga OFW para sa kanilang mga pagsusumikap upang makapagbigay lamang sa kanilang mga pamilya.

Pinamagatang “Kami Naman”, o Our Turn sa wikang English, ipinakita ng 180-second na video ang isang Filipinong lalaki na nagdesisyong magtrabaho sa abroad at iwanan ang kaniyang asawa at anak na lalaki upang mabigyan lamang sila ng maginhawang buhay, iniulat Philippine Daily Inquirer.

Sa dulo ng film, ang anak ng lalaki, na ngayon ay isa nang binata, ay tumawag sa kaniyang ama at sinabi sa kaniyang tuluyan na siyang umuwi. Ipinakita ang anak na mayroon nang maayos na pamumuhay at edukasyon, salamat sa pagsusumikap ng kaniyang ama, at nais niya itong gantihan ng pagbabayad sa kanilang bagong bahay.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong 11 milyong mga Filipino ang nagtatrabaho sa buong mundo, 2.3 milyon sa mga ito ay lumipad lamang noong mula April hanggang September noong nakaraang taon.

Kinikilala ang mga OFW na “ang mga bayang bayani” sa Pilipinas dahil ang kanilang mga sakripisyo upang makapagbigay sa kanilang mga pamilya ay nakakapag-ambag rin sa ekonomiya ng bansa.