Ninakawan ang isang OFW na kauuwi lamang galing Dubai ng isang kasambahay sa araw rin ng pagkatanggap nito sa trabaho sa Nueva Ecija.

Ayon kay Frances Lou Correa, isang OFW, tinanggap niya sa trabaho si Irene Carbonnel, 38-anyos, upang maging kasambahay sa kaniyang bahay sa San Jose City, iniulat ng The Filipino Times.

Sinabi ni Correa na sa mismong araw rin ng pagnanakaw, binibisita niya ang kanilang tindahan ng bigas at iniwang mag-isa ang kasambahay sa loob ng kaniyang bahay. Pagkarating niya, nadiskubre niyang nawalan na siya ng mga gamit, at nawala na si Carbonnel. Nagnakaw ‘di umano ang kasambahay ng isang laptop, isang designer bag, dalawang bracelet, cellphone, at perang nagkakahalagang PHP10,000.

Isinumbong na ni Correa ang insidente sa pulisya, na aarestohin na rin ang suspek. Sasampahan ang ‘di pa ring mahanap na kasambahay ng theft.

Original: Migrant worker robbed by newly hired maid in Philippines