Inakusahan ang Filipinong pulis ng panggagahasa nf 15-anyos na dalagang anak ng mga nahuling mga drug suspek sa Manila, Philippines.

Noong October 25, naarestp ang mga magulang ng dalaga sa pagdadala ng mga ilegal na droga. Matapos damputin ang kaniyang mga magulang, inatasan si police officer Wduardo Valencia ng paghahatid sa dalaga sa kaniyang bahay, iniulat ng Rappler.

Ngunit, dinala umano ni Valencia ang dalaga sa isang motel at ginahasa ito. Ayon sa mga ulat, naganap ang panggagahasa ng umaga ng October 26. Nang dalhin na ang babae sa kaniyang bahay, sinumbong niya sa kaniyang mga kamag-anak ang nangyari.

Nanawagan ng tulong ang mga kamag-anak sa mga pulis, na umaresto kay Valencia sa kaniyang bahay sa Pasig City noong October 27. Itinanggi ni Valencia ang mga alegasyon ngunit ayon sa mga medical test ng biktima, nagtamo ito ng mga gasgas sa kaniyang ari, indikasyon ng pwersahan pakikipagtalik.

Ayon kay Guillermo Eleazar, ang National Capital Region Police Office Chief, nasa ilalim na ng kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang dalaga, at haharapin ni Valencia ang parehong administrative at criminal charges.

Sinabi rin mo Eleazar na ang kaso ni Valencia ay una sa mga ganitong klase, ngunit, ayon sa suspek, “hindi na bago” ang mga ganitong klaseng akusasyon na isinasampa sa kaniya, na paghihiganti lang ‘di umano ang mga alegasyon na ito para sa drug operation.

Original: Manila cop accused of raping teen daughter of drug suspects