Inilubog ng 10-foot python ang mga ngipin nito sa ari ng lalaking Thai habang siya’y nakaupo sa toilet ng kanilang opisina sa Bangkok noong nakaraang Huwebes, na nakapagtamo sa trabahador ng malalang sugat na nangangailangan ng 15 maseselang na mga tahi.

Nakaupo si tersdak Kaewpangpan, 45-anyos, sa isa sa mga toilet sa kanilang opisina nang umatake ang reptile. Gumapang ang python sa mga tubo ng plumbing at lumabas sa toilet bowl, iniulat ng Sputnik News.

Sinabi ni Tersdak, nabigla at sugatan, sa Amarin TV na paalis na siya ng toilet nang tinuklaw siya ng ahas. Agad niyang dinaklot ang ulo ng ahas at pinigi niya ito upang maibuka ang mga panga nito bago niya tanggalin ito sa kaniyang ari.

Malala siyang nagdurugo at inihatid siya sa ospital ng isang kapitbahay , kung saan nakatanggap siya ng 15 maseselang mga tahi sa dulo ng kaniyang ari.

Kinalaunan ay dumating na ang mg wildlife rescuer sa eksena at matapos ng maiksing kaguluhan, nahuli nila ang ahas at nailagay ito sa isang sako. Pinakawalan rin ang reptile kinalaunan sa wild.

Original: Python bites Thai man’s penis while he’s on a toilet