Nag-viral ang isang video ng racist rant ng isang babae ukol sa isang pamilyang Filipino sa kanilang bakasyon sa New Zealand. Sinabi ni Krizia Alexa Egipto, 18-anyos, sa isang Facebook post na nagbabakasyon sila sa Wellington ng kaniyang pamilya nang lapitan sila ng babae at sinabing hindi sila welcomed sa bansang iyon, iniulat ng Otago Daily Times.

“Sabi ng babae, ‘Don’t come back here anymore. You’re not welcome here. This is only for white people. This country is for white people only’,” sabi ni Egipto.

Ayon kay Egipto, nasa isang coffee shop lamang sila ng kaniyang pamilya, nang lapitan sila ng babae. Nilapitan naman ng mga staff ng shop ang babae at pinaalis nila ito. Ngunit, nakasalubong na naman ng pamilya ang babae at nagpatuloy ang pang-aabuso.

“Lumabas na kami, handa nang libutin ang bayan nang makita ulit ng nanay ko ang babae at nag-rant na naman siya nang racist sa amin”, sabi niya.

Sabi ni Egipto, hindi pa niya nararanasan ang ganitong klaseng racism kailan pa, at nananatili na sa New Zealand nang apat na taon.

Original: Racist rant at Filipino family in New Zealand goes viral

https://youtu.be/c9lK8yTmyfo