Tumawag ang isang domestic worker ng mga pulis noong Linggo upang isumbong ang pagnanakaw sa Hong Kong villa kung saan siya nagtatrabaho.

Noong alas-dos ng umaga, ang Filipinang domestic worker, na nagtatrabaho sa isang villa sa headland Road sa Repulse Bay sa Hong Kong Island, ay nakarinig ng kaluskos sa labas ng kaniyang kwarto, iniulat ng Apple Daily.

Nang makita niya ang lalaking sinusubukang pasukin ang kwarto, siya’y sumagaw at tumakbo na ang magnanakaw.

Dumating ang mga pulis at natagpuan nilang hinalughog na ang bahay, iniulat ng Ming Pao Daily. Pinagsususpetsehan ng mga pulis na pumasok ang mga magnanakaw sa villa mula sa balkonahe. Nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga pulis sa kabilang hillside, ngunit wala silang naaresto.

Samantala, sa New Territories, naharang ng mga pulis ang dalawang lalaki na naglilibot libot malapit sa mga luxury villa sa Pak Tam Chung, Sai Kung noong Sabado.

Noong mga alas-nuwebe ng umaga, nakita ng mga pulis ang dalawang kahina-hinalang lalaki sa may Yan Yee Road sa Sai Kung. Hinarang nila ang mga ito at tiningnan ang kanilang mga identidad.

Ang dalawang lalaki na nagngangalang Wei na nagsasalita ng Putonghua ay nagsabing mula sila sa Guangxi Province, China at nagpunta sa Sai Kung para sa mga tanawin. Ngunit, hindi nila nasabi sa mga pulis ang mga eksaktong mga tanawin ang nais nilang bisitahin.

Hinalughog ng mga pulis ang kanilang mga kagamitan ngunit hindi sila nakahanap ng mga kagamitang ginagamit pangnakaw.

Inaresto ang mga lalaki sa pagiging tambay. Titingnan pa ng mga pulis kung mayroon bang koneksyon ang dalawang lalaki sa “Wei Clan”, isang kilalang gang village mula sa Guangxiu Zhuang autonomous region.

Original: Domestic worker’s scream frightens off Hong Kong burglars