Dinala sa korte sa Dubai noong Linggo ang dalawang negosyante at ang isang Filipina upang harapin ang mga reklamong pagkukulong sa limang mga OFW sa isang apartment sa emirate sa loob ng isang buwan.

Tinanggap sa trabaho ang limang babae ng recruitment agency noong Agosto. Noong August 19, nahulog ang isa sa kanila mula sa apartment at nagka-fracture ang kaniyang beywang sa pagtatangkang pagtakas gamit ang isang lubid na gawa lamang sa mga kumot, iniulat ng Gulf News.

Nakarating na sa mga pulis ang insidente at napag-alaman nilang isang buwan nang nakakulong ang limang Filipina sa isang apartment na pinagmamay-ari ng agency. Hinuli na ng mga pulis ang may-ari ng agency, isang Egyptian na negosyante, at ang kaniyang Jordanian na partner kasama ang katrabaho nilang Filipina.

Noong Linggo sa Dubai Court of First Instance, inakusahan ng mga prosecutor ang tatlong suspek ng illegally confining the five women under threat, assault and coercion. Dininig ng korte na binugbog ng mga suspek ang limang babae matapos silang sisantihin ng kanilang mga amo.

Nag-plead ang tatlong suspek ng ‘not guilty’ sa mga kaso, habang naghain naman ang legal representative ng limang Filipina ng civil lawsuit na naniningil ng 21,000 dirhams (PHP305,000) bawat isa para sa kanilang panandaliang compensation.

Original: Trio accused of confining Filipino workers for a month