Isang Filipina at dalawang Amerikanong lalaki ang mga inaresto sa Cebu, Pilipinas, matapos silang matagpuang ilegal na naninirahan kasama ang menor de edad.

Noong Lunes sa Barangay Sta. Lucia sa Asturias, Cebu, inaresto ng mga pulis si John Herman Carder Jr., 76-anyos, Jim Dean Syfert, 52-anyos at Frailline Mae Sagabala, 19-anyos matapos mapag-alamang naninirahan ang tatlo kasama ang dalawang 14-anyos na mga Filipinang dalagita, iniulat ng Sun Star.

Napag-alaman ng mga pulis na nag-offer umano ang tatlong suspek sa dalawang babae ng tig-isang cellphone, PHP500 para sa pangdamit, full scholarship grants at pag-install ng kuryente sa kanilang bahay kung sumang-ayon silang magtrabaho para sa tatlo bilang mga domestic worker.

Ipinaalam ng isang nag-aalalang kapitbahay sa mga pulis ang tungkol sa dalawang dalagitang naninirahan kasama ang mga foreigners. Ni-raid ng mga pulis ang bahay ng suspek at nakita ang isa sa mga ito na suot lamang ay mga damit pangloob habang kaharap ang dalawang babae, na nainom ng hard liquor.

Sasampahan ang dalawang Amerikano sa paglabag sa Republic Act (RA) 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Pinagbabawalan ng Section 10(b) ng RA 7610 ang kahit sino na makasama ang isang menor de edad, 12-anyos pababa o kahit 10 taon o higit pa sa kahit anung pribado at pampublikong mga lugar.

Original: Three arrested in Cebu for illegally living with minors