Isinauli ng isang trabahador ng Ninoy Aquino International Airport ang isang pouch na naglalaman ng PHP120,000 sa may-ari nitong South Korean na turista.

Natagpuan ni Judith Mertola, isang trabahador sa Lucky Jet Travel and Tours, ang pouch na naglalaman ng perang may iba’t ibang currency, at dalawang personal credit card sa arrival area ng Terminal 1, iniulat ng The Manila Standard.

Iniabot ni Mertola ang pouch sa Manila International Airport Authority (MIAA), kung saan sinubukan nitong makipag-ugnayan sa may-ari na isang Korean national na nagngangalang Huwang Su Ha, na nakalapag sa NAIA noong October 31.

Nang nalaman nilang naka-schedule na palang umalis ito ng Pilipinas sa Lunes, nagdesisyon na lamang ang mga airport official na hintayin ang Koreano sa airport upang isauli rito ang pouch.

Lubos siyang nagpasalamat nang makita niyang buo at kumpleto pa ang kaniyang mga kagamitan.  Pinuri ng MIAA general manager na si Eddie Monreal si Mertola dahil sa kaniyang katapatan.

Original: Airport worker returns bag with PHP120,000 to Korean