Kinritiko ang isang babae sa Hong Kong ng mga netizen sa Facebook sa paraan ng kaniyang pagtatrato sa kaniyang domestic worker sa huling araw nito sa trabaho.

Nag-post ang amo sa isang Facebook group na “Hong Kong employer-domestic worker complaints group” na sinabing nag-resign ang kaniyang domestic worker, iniulat ng Oriental Daily.

Nais na sanang umalis ng domestic worker noong hapon, ngunit ang amo, na nais panatilihin ang manggagawa ng buong maghapon, ay nagtanong ng mga payo sa Facebook upang tingnan kung kaya ba niyang panatilihin ang manggagawa hanggang 7pm.

Samantala, sinabi ng amo na binigyan na niya ang manggagawa ng maraming damit ng bata, at ngayon ay gusto na niya itong bawiin.

Nakakuha ang post ng amo ng maraming kritisismo. Tinawag siya ng mga nagkomento bilang isang masamang kuripot at sinabing dapat gawin na lang niya ang lahat ng kaniyang gawaing bahay kaysa kumuha pa ng domestic worker.

Maraming komento ang sumuporta sa pagbibitiw ng domestic worker, at umasang siya sana’y makakuha ng mas mabait na amo sa hinaharap.

Hindi nabanggit ang nasyonalidad ng domestic worker sa diskusyon online.

Original: Employer criticized for being mean to worker who resigned