Inanisuhan na ng isang professional na snake catcher sa Queensland, Australia ang mga Australiano na nagpaplanong magbarbecue na mag-ingat matapos ng dalawang kaso ng mga python na natapuan sa mga barbecue grill na nabalita sa loob lamang ng dalawang araw.

Noong November 26, nagulat ang mga residente ng Mooloolaba sa Sunshine Coast nang makita nila ang isang carpet python na gumagapang sa isang barbecue grill sa kanilang bakuran, iniulat ng Yahoo News Australia. Tinawag ang isang lokal na manghuhuli ng ahas na si Mark Neath upang hulihin ang ahas.

Nag-upload ng isang video sa Facebook si Neath, na ipinapakita ang pagtanggal niya ng mga hot plate at ng takip ng ihawan bago makita ang ahas. Dinagdag paniyang hindi bihira ang mga ahas sa mga barbecue grill dahil madalas silang maghanap ng mga daga roon. Inabisuhan niya ang mga tao na mag-ingat sa tuwing sila’y magbubukas ng kanilang ihawan.

Matapos lamang ng mga dalawang araw, nakakita na naman ng isa pang carpet python na nagtatago sa isang barbecue grill sa Queensland.

Ayon sa isang UPI report noong November 28, nag-share ng video ang isang nanghuhuli ng ahas sa Australia ng pagkuha niya sa isang carpet python na nagtago sa isang barbecue grill sa Yandina, Queensland. Ipinamahagi ni Snake Catcher Noosa na si Luke Huntley ang karanasan sa Facebook, na nagpapakita na tinatanggal ni Huntley ang pagkapulupot ng ahas habang inilalagay niya ito sa isang lalagyan nang hindi ito sinasakyan.

Dagdag pa ni Huntley na ang mga may-ari ng bahay ay naghahanda para sa pag-iihaw nang makita nila ang ahas sa loob ng ihawan.

Kalimitang mahiyain naman ang mga python at hindi ito mga makamandag. Ngunit, kapag ito’y natatakot maaari itong maging mapanganib sa mga bata.

Original: Australian barbecue fans warned to check grills for snakes