Kasama ang dalawang Filipino sa 11 nasugatan matapos ang aksidente noong Lunes ng hapon kung saan apat sa mga ito ay binawian ng buhay sa North Point sa Hong Kong Island.

Isang 50-anyos na lalaki at 43-anyos na babaeng Filipino ang dinala sa ospital, may malay ang mga ito at hindi gaanong nasaktan, inulat ng sunwebhk.com.

Isang opisyal mula sa Police Public Relations Branch ang nagsabing parehas na Hong Kong ID-card holders ang dalawang Filipino. Isa sa kanila ay dinala sa Ruttonjee Hospital sa Wan Chai, samantalang ang isa naman ay dinala sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chai Wan.

Pinangalanan ng news website na HK01.com ang dalawang Filipino bilang sina Velasco X AJR at Salvador X Nim.

Sinabi ni Consul Paulo Saret, ang head of assistance to national section ng Consulate sa Hong Kong, na ipinag-bigay alam ng mga pulis na dalawang Filipino ay kasama sa mga nasaktan sa aksidente.

Nangyari ang aksidente nang araruhin ng isang walang pasaherong school bus ang mga taong naglalakad sa pagitan ng King’s Road at Hei Wo Street sa North Point.

Apat ang binawian ng buhay at labing-isa ang sugatan.

Original: Two Filipinos injured in fatal bus crash in Hong Kong on Monday