Libu-libo nang mga tao sa social media ang napabilib sa isang overgrown na steer sa southwestern Australia.

Si Knickers, isang pitong-taong gulang na Holstein Friesian steer ay may tangkad na 6-feet 4-inches, at may bigat na 1.4 tonelada, iniulat ng Perth Now.

Ang mahiyain ngunit napakadambuhalang steer ay nabansagang ang pinakamalaking baka sa Australia, ngunit isa talaga siyang steer – isang toro na tinanggalan ng bayag habang siya’y bata pa lamang.

Ang kaniyang may-ari, si Geoff Pearson, ay sinabing masyado nang malaki at mabigat si Knickers upang ibenta o katayin para sa kaniyang karne. Sinabi niyang mamumuhay na lamang ang dambuhalang baka sa pakainan sa Lake Preston sa Myalup, 136km sa timog ng Perth, “happily ever after”.

Marahan na hawig ang kaniyang kwento kay Ferdinand, ang palakaibigan at mapagmahal ng mga bulaklak na natampok sa Walt Disney cartoon sa kapareho ring pangalan.

Sinabi ni Pearson sa BBC na hango ang pangalan ng baka sa isang Brahman steer. Ang pangalan ng isa pang steer ay Bra.

Nagulantang ang mga netizen sa Twitter matapos nilang makita si Knickers, na ayon pa sa isa na kaya niyang titigan ang litrato ni Knickers ng buong araw.

Ang kasalukuyang Guinness World Record ng pinakamalaking steer ay hawak ni Bellino, isang Chianina Ox na may tangkad na 6-feet 7-inches sa Italy.

Original: Gigantic steer too big for the abattoir, Aussie owner says