Isang Filipinong manggagawa ang muntikan nang mawalan ng paningin matapos abusuhin ng kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Noong Nobyembre, sinabi ni Lovebella Abcede na ang kaniyang amo, na siyang may-ari rin ng recruitment agency ni Abcede sa Saudi Arabia, na siya’y pauuwiin ng ‘Pinas dahil hindi niya sinunod ang kaniyang mga utos.

Hiniling ni Abcede na magpalipat na lamang sa ibang amo, ngunit bigla na lamang siyang sinampal at sinuntok ‘di umano nito, ulat ng GMA News.

Pinaratangan rin ni Abcede na ang kaniyang amo ay sinubukan ring tusukin ang kaniyang mata gamit ang isang ballpen. Matapos ang insidente, agad-agad inayos ng agency ni Abcede ang kaniyang flight pauwi ng Pilipinas.

Sinabihan ‘di umano siya ng kaniyang amo na huwag sabihin kahit kanino ang nangyari, ngunit nagsumbong pa rin si Abcede sa Philippine Consulate bago lumipad pauwi ng Pilipinas.

Sinabi ni Labor Attache Nasser Munder na ikakansela ang accreditation ng agency at makakamit ni Abcede ang hustisya.

Ayon kay Munder, hindi na maaari pang kumuha ng mga OFW ang agency upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga manggagawa.

Pinayuhan ang domestic worker na mag-file agad ng reklamo laban sa kaniyang amo upang makuha niya ang mga bayad-danyos dahil sa pang-aabuso ng kaniyang amo.

Nakauwi na ng Pilipinas ang manggagawa at nagpapagaling mula sa kaniyang mga natamong sugat. Ayon kay Abcede, nagtrabaho siya sa Jeddah sa loob lamang ng 3 linggo nang siya’y simulang saktan ng kaniyang amo.

Read: Filipina almost loses eyesight due to ’employer’s abuse’