Sinampahan ang isang 33-anyos na Filipina ng mga reklamong obstruction case at possession of dangerous drugs ng Hong Kong custom officers.

Noong November 23, hinarang si Cheryll Salvador ng mga custom officers sa departure hall ng Hong Kong Macau Ferry Terminal sa Sheung Wan sa Hong Kong Island, kung saan siya’y naghihintay na makasakay ng ferry patungong Macau, iniulat ng sunwebhk.com.

Pinigilan ‘di umano ni Salvador ang mga taga-custom upang impeksyunin ang kaniyang bagahe.

Nang ma-impeksyon na ng mga custom officer ang mga laman ng kaniyang backpack, nakadiskubre sila ng 0.34 na gramo ng methamphetamine, mga kagamitan para sa meth at limang tabletang gawa sa regulated drug.

Noong November 26, sa Eastern Magistrates’Court, ipinahayag ng prosekyusiyon na ang hinahatulan ay walang fixed address at may hawak na Philippine passport.

Ginawaran siya ng korte para sa kaniyang piyansa ng US$256 (PHP13,000) at inutusan siyang manatili lamang sa Hong Kong, i-surrender ang kaniyang passport, manirahan sa ibinigay na address at mag-report sa Wanchai police station araw-araw.

Ipinagpaliban ng korte ang kaniyang hearing sa ika-21 ng Enero.

Original: Bail granted Filipina in drug possession, obstruction case