Isang Filipino-American ang nag-akusa ng racism sa isang staff ng Starbucks matapos nitong palitan ang kaniyang pangalan mula sa John sa “Chang” sa kaniyang order sa Vacaville, California sa Estados Unidos.

Noong Lunes, si Johncarl Festejo, isang retiradong beteranong US Air Force, ay pumunta ng Starbucks matapos niyang ihatid ang kaniyang 12-anyos na anak na babae sa eskwelahan. Noong kinuha ng barista ang kanilang mga order at tinanong ang kaniyang pangalan, ibinigay naman ni Festejo ang kaniyang pangalan bilang John, iniulat ng Newsweek.

Makalipas ng mga ilang minuto, tinawag ng barista ang pangalang “Chang”. Lumapit si Festejo at tinanong kung iyon na ba ang kaniyang order at sinabing hindi Chang ang kaniyang pangalan. Sinabi naman ng barista na baka iyon ang kaniyang pangalan sa mobile app.

“Tiningnan ko ulit ang Starbucks app ko. Pangalan ko ang nakasaad. Tinanong ko, nagbibiro ka ba? Yung totoo?”pahayag ni Festejo.

Nang tinanong niya kung bakit pinalitan ng Chang ang kaniyang pangalan, tinawanan lamang siya ‘di umano ng barista. Nagreklamo si Festejo sa Starbuck’s corporate office, na humingi ng paumanhin at sinisante ang baristang inireklamo.

Ngayong taon, isinara ng Starbucks ang halos 8,000 nilang branch sa Estados Unidos ng isang buong araw upang magbigay daan sa racial-bias education course sa kanilang mga empleyado.

Original: Filipino-American accuses Starbucks staff of alleged racism