Nanalo ang isang Filipino sa Dubai ng 10 gramong ginto sa pagbabawas niya ng 10 kilo sa isang fitness challenge.

Ang 34-anyos na si Romal Maniyok ay sumali sa paligsahang “Lose To Win Gold”, na siyang pinangunahan ng Al Ghurair Center sa Deira upang isulong ang health consciousness sa mga banyaga, iniulat ng Manorama Online.

Ayon kay Maniyok, matagal na niyang gustong magbawas ng timbang ngunit lagi siyang walang oras upang mag-gym araw-araw. Ngunit, nasanay na naman siyang maglakad ng 3 hanggang 5 kilometro araw araw, at upang manalo sa challenge, sinimulan niyang itaas ito sa 10 kilometro kada araw. Nakatulong ito upang mas mabawasan pa ang kaniyang timbang.

Ayon sa marketing head ng The Al Ghurair Center na si Zeinab Badar, ang premyo ng challenge sa mananalong kalahok ay isang gramo ng ginto sa kada kilo na maibabawas sa loob ng 30-day challenge.

“Ang paligsahang ito ay hindi lamang tungkol sa pagsungkit ng papremyong ginto sa loob lamang ng maiksing panahon, ngunit isinusulong namin sa komunidad na maging permanente ang kanilang pag-aalaga sa kanilang kalusugan at mas magkaroon pa ng mas balanseng lifestyle” ayon kay Badar.

Original: Filipino in Dubai loses weight, gains prize in gold