Isang lalaki ang na-ospital sa Ilocos Sur sa Pilipinas matapos niyang aksidenteng mabaril ang kaniyang sariling ari. Ayon sa Masingal Police, ang 50-anyos na lalaki ay umiihi hawak ang kaniyang baril na nakasukbit sa lalagyanan nito. Aksidente itong pumutok nang mahawakan niya ito, iniulat ng ABS-CBN News.

Isinugod ang lalaki sa hospital sa Masingal, kung saan inoperahan siya ng mga doktor upang tanggalin ang kaniyang ari. Ayon sa chief ng Masingal Police na si Christopher Bueno, unang ipinaratang ng lalaki na ‘di umano’y may bumaril daw sa kaniya.

“Noong una ay itinatanggi pa niya ito at sinabing may bumaril daw sa kaniya, ngunit pagkatapos ng aming imbestigasyon, napag-alaman namin na nabaril nga niya ang kaniyang sarili,”pahayag ni Bueno.

Kinakaharap ng lalaki ang kasong illegal possession of firearm, na may kaparusang pagkakakulong.

Tumanggi nang magbigay ng komento ang pamilya ng lalaki ukol sa insidente.

Original: Man hospitalized after shooting himself in the penis